-
Mahalin mo ang sa
iyo nang higit kaysa iba.
-
Parangalan mo ang
mga yari sa iyong bayan, ang kanyang mga industriya at ang
pangangalakal niya.
-
Maging Pilipino
ka sa isip at gawa at kapag nauukol sa mga bagay na pangkabuhayan.
-
Huwag kang
gagamit ng mga yaring-dayuhan kung mayroon namang gayong yari sa
ating bayan.
-
Tangkilikin mo
ang hanapbuhay dito sa atin.
-
Itanim mo sa isip
ang dakilang katotohanang ito: na ang bayang walang pamana ay aba.
-
Ibuhos ang
kakayahan sa layuning ang iyong bansa ay (maging) mas maunlad.
-
Tumulong
magbigay-dangal sa ikagiginhawa ng mangagawang Pilipino, at sundin
ang katutubong batas na nag-aatas na kalingain ng isang kapatid ang
kapwa kapatid.
-
Isakatuparan ang
tangkilikan sa pamamagitan ng gawa at hindi (lang) ng salita.
-
Maging matiyaga
ka at masipag sa pagganap ng tuntuning nauukol sa ikasusulong ng
sarili at ng bansa.